Posted June 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinilala sa blotter report ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang mga Korean national na sina Kim Dong Hyun, 35
anyos, Yoon Jung Min, 34 anyos, Lee Chang Kun, 40 anyos Ha Ji Hye, 24 anyos at
15 buwang batang babae.
Nakilala naman ang drayber ng traysikel na si
Ronaldo Lorenzo, 34 anyos, ng Vivo Tangalan Aklan.
Ayon sa report, nangyari ang aksidente nang dumausdos
at mahulog ang dalawang bag ng mga biktima na nakalagay sa itaas ng traysikel.
Bumangga umano ang nahulog na bag sa harapang
gulong ng traysikel, kung kaya’t nawalan ito ng kontrol at sumadsad.
Dahil dito, nagtamo ng gasgas sa iba’t-ibang parte
ng katawan ang mga biktima dulot ng aksidente.
Samantala, minarapat naman ng mga itong dumeritso
sa tinutuluyang resort sa Barangay Yapak matapos gamutin, habang ikinustodiya
ng BTAC ang driver para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment