YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 11, 2014

Kalaguyo ni misis, nahuli ni mister sa aktong pakikipagtalik; Sinaksak

Posted June 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pagod galing sa trabaho si mister, subalit sa halip na pag-aalaga ng asawa ang mararatnan ay isang iskandalo ang tumambad sa kanyang paningin.

Naratnan umano kasi nito ang kanyang misis na si “Alona” 25 anyos ng San Jose Romblon at kalaguyong si “Dean” 39 anyos sa loob ng kanilang kwarto na aktwal na nakahubad at nagtatalik.

Ayon sa report ng Boracay PNP Station, nangyari ang insidente kahapon ng umaga sa mismong boarding house ng suspek at live in partner nito sa Balabag Boracay.

Sa sobrang pagkagulat at galit ng mister na si “Nixon” 34 anyos sa kanyang nasaksihan, agad umano itong tumungo sa kusina at kumuha ng kutsilyo saka sinaksak ang biktima.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa kanyang kaliwang braso si “Dean” kung saan kasalukuyan pa ring ginagamot sa Boracay Hospital.

Kaagad ding nadakip ng mga pulis si “Nixon”at ikinustodiya sa himpilan ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment