YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 09, 2014

Boracay Action Group, inalerto ngayong panahon ng Habagat

Posted June 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Inalerto ngayon ni Island Administrator Glenn Sacapaño para sa panahon ng Habagat ang BAG o Boracay Action Group.

Kasabay ito sa pasasalamat ni Sacapaño sa lahat ng mga tumulong upang manatiling matatag ang grupo sa kabila ng mga naranasang pagsubok at problema. 

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony nitong umaga, sinabi ni Sacapaño na kailangang magtulungan ang lahat ng law enforcers at volunteers sa isla kaugnay sa mga probleman maaaring maranasan ngayong panahon ng Habagat.

Partikular na sinabi ni Sacapaño ang problema sa basura na maaaring ikalat o dalhin ng tubig-dagat sa dalampasigan tuwing high tide.

Samantala, hinimok din nito ang BAG na maging alerto para sa seguridad ng isla sa posibleng pagpasok ng bagyo at anumang uri ng kalamidad kasabay ng Habagat Season.

No comments:

Post a Comment