YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 09, 2014

Grass fire sa Jawili, Tangalan, kagabi umabot sa sampung ektarya

Posted June 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Umabot sa sampung ektarya ang nilamon ng grass fire sa bundok ng Jawili, Tangalan, Aklan.

Ayon kay SPO3 Jay Javier ng Tangalan PNP, humingi sila ng tulong sa Ibajay Bureau of Fire upang hindi na kumalat ang apoy na nagsimula bandang alas 7: 00 kagabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o napinsalang ari-arian dulot ng nasabing sunog dahil malayo umano ito sa mga kabahayan doon.

Idineklarang fire out ang sunog bandang alas 10: 00 kagabi subali’t patuloy paring iniimbistigahan ang sanhi nito.

Samantala, maaalang isang grass fire din ang nangyari sa Barangay Nabaoy dito sa bayan ng Malay nitong nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment