YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 12, 2014

BPAI, umaasang susuportahan ng iba’t-ibang asosasyon sa isla

Posted June 12, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Umaasa umano ang BPAI o Boracay Photographers Association Inc. na susuportahan sila ng iba’t-ibang asosasyon sa isla.

Kaugnay ito sa MOA o Memorandum of Agreement na gaganapin sana kahapon sa kanilang pakikipag-pulong sa mga taga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency na ipinatawag ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force.

Ayon kay BPAI President Ernesto Cruz, umaasa silang hindi na kukuha ng hindi lehitimong photographers ang nasabing agency sa Boracay.

Umaasa din umano sila ng kasiguraduhan o assurance kaugnay sa inaabangan nilang MOA.

Samantala, nabatid na hindi pa rin nalalagdaan ang MOA, dahil kailangan pang pag-aralan ng mga asosasyong kasama sa MOA signing ang nilalaman ng kasunduan.

Kasama sa pagpupulong kahapon ang mga barangay kapitan at kinatawan ng tatlong barangay sa isla, DOT, BFI, DILG, MAP, MALTOA at iba pa.

No comments:

Post a Comment