YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 07, 2014

(Update) Mga suspek na nambato ng bote sa dalawang Czech National sa Boracay, pinaghahanap parin

Posted April 7, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy parin ang paghahanap sa limang suspek na nambato ng bote sa dalawang Czech National sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ng mga taga Boracay PNP kaugnay sa nangyaring komosyon sa station 2 Barangay Balabag kaninang umaga.

Base sa police report, hinamon ng away ng mga hindi nakilalang suspek ang mga Czech National na sina Leos Brych 33 anyos at Michal Salnar 24 anyos sa loob ng bar.

Subali’t hindi akalain ng mga biktima na hinintay pala sila sa labas ng mga suspek, at pinagbabato ng bote at bato.

Resulta, isinugod sa pagamutan ang mga biktima matapos tamaan sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment