YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 09, 2014

Malay Mayor John Yap, may apela sa mga bakasyunista sa Boracay ngayong summer

Posted April 8, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Umapela ngayon si Malay Mayor John Yap sa mga bakasyunista na sumunod sa mga ordinansa ng isla.

Ito’y kasabay ng pag-welcome o pagtanggap ng alklade sa mga magbabaksyon sa Boracay ngayong summer.

Ayon kay Mayor Yap, inaalagaan ng LGU Malay ang isla para sa lahat at upang mag-enjoy ang mga turista dito.

Partikular namang ipinaalala ng alklade ang mga ordinansa kaugnay sa no smoking by the beach o paninigarilyo sa baybayin at ang anti-littering o ang pagkakalat ng basura.

Samantala, tiniyak naman ni Mayor John Yap ang seguridad ng mga bakasyunista sa isla ngayong summer.

Nabatid na nakaalerto narin ngayon ang mga law enforcers dito sa pagdagsa ng mga turista.

No comments:

Post a Comment