YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 09, 2014

Lalaking umano’y may deperensya sa pag-iisip, inaresto matapos mahulihan ng baril

Posted April 9, 2014 as of 5:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inaresto ng mga tanod ng Brgy. Manoc-manoc Boracay ang isang lalaking umano’y may deperensya sa pag-iisip matapos mahulihan ng baril.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang lalaki na si “Wilfin” ng Makato, Aklan na sinasabing may dala-dalang isang cal. 22 air gun rifle.

Ibinabandera umano nito ang kanyang dalang baril kung kaya’t na-alarma ang mga residente doon.

Noong una ay ayaw pang ibigay ng lalaki ang nasabing baril, subalit sapilitan din itong nakuha ng mga tanod nang malamang walang bala ang hawak-hawak nitong armas.

Samantala, nabatid naman na may deperensya sa pag-iisip ang nasabing lalaki at may nakabinbing kaso na homicide subalit hindi muna ito ikinulong dahil sa kasalukuyan pa rin itong ipinapagamot.

Sa ngayon ay nasa kustodiya parin ng Boracay PNP Station ang nasabing lalaki para sa karampatang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

No comments:

Post a Comment