Posted April 8, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, nagtaka di umano ang
may-ari ng establisyemento dahil sa nakabili ng necklace ang kanyang dating
cashier na nagkakahalaga ng limang libong piso at nasa mahigit kumulang isang
libong piso ang pendant.
Dahil dito, sinuri di umano ng may-ari ng nasabing
establisyemento ang kanilang CCTV camera at doon nalamang kinupit pala ng
kanyang dating cashier ang pera sa kanilang cash register.
Kaya’t payo naman ngayon ng mga otoridad sa mga
establishment owners, huwag basta-basta magtitiwala at suriing mabuti ang ugali
ng bawat empleyado.
No comments:
Post a Comment