Posted
April 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasabay ng pagdagsa ng pasahero sa Caticlan Jetty Port
ngayong Semana Santa, mas pinaigting naman ng Malay PNP ang kanilang seguridad.
Ayon kay SPO1 Ben Estuya ng Malay PNP, 24/7 umano ang
kanilang ipapatupad na seguridad simula sa araw ng Lunes hanggang sa matapos
ang araw ng Semana Santa sa susunod na linggo.
Katuwang naman ng Malay PNP ang Philippine Coastguard,
Bantay Dagat, Municipal Auxiliary Police, Philippine Army at mga Brgy. Tanod.
Maglalagay naman ng police assistance desk ang Malay PNP
para sa lahat ng mga pasaherong nangangailangan ng kanilang tulong.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Estuya ang lahat ng
mga maglalakbay ngayong Semana Santa ang ibayong pag-iingat lalo na sa kanilang
mga kagamitan.
No comments:
Post a Comment