YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 07, 2014

Mga turista sa Boracay ngayong summer, lalo pang dumarami

Posted April 7, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

www.goggle.com
Lalo pang dumarami ang mga turista sa Boracay ngayong summer.
Katunayan, ramdam na ang masikip na daloy ng mga pasahero at ang mahabang pila sa Caticlan Jetty Port.

Kapansin-pansin na rin maging nitong nagdaang araw ang kapal ng mga turistang namamasyal sa beach front lalo na tuwing hapon.

Bagay na lalong naging alerto ang mga taga Boracay PNP para sa seguridad ng mga turista.

Ayon sa mga turista, malaking tulong sa kanila ang pagkakaroon ng mga assistance center sa beach front, dahil may nalalapitan agad sila o napagtatanungan.

Samantala, inaasahan naman maging ng mga taga DOT o Department of Tourism na dadagsa pa ang mga turista ngayong Semana Santa na sa susunod na linggo.

No comments:

Post a Comment