YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 08, 2014

(Update) American National na umano’y nangyakap ng 60 anyos na babae sa Boracay, nanatili parin sa lock-up cell ng Boracay PNP

Posted April 8, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa lock-up cell parin ng Boracay PNP Station ang lalaking American national matapos ireklamo ng panghihipo.

Nabatid na isang 60 anyos na babae ang napagdiskitahang yakapin at hipuin ng nasabing foreigner na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang pangalan dahil ayaw nitong magsalita.

Samantala, napag-alamang binitbit at ikinostodiya ng Boracay PNP ang nasabing turista kahapon ng umaga matapos umano itong manggulo at manghipo ng isang 60- anyos na babae sa labas ng bar sa Balabag, Boracay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ito ng Boracay PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment