YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 28, 2014

Ikalawang bahagi ng Flood Control Project, sinimulan na

Posted March 28, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pansamantalang hindi madaanan ng sasakyan ang kalsada papuntang Bloomfield School kagabi.

Sinimulan na rin kasing gibain ang kalsada mula sa kanto papasok ng Sewerage Treatment Plant (STP) ng Boracay Island Water Company (BIWC), para sa pipe laying o paglalagay ng tubo.

Ito’y bilang bahagi ng ginagawang Flood Control Project ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Kaugnay nito, kinordon ang tinibag na kalsada kung saan tanging isang tao lamang ang makakadaan.

Magugunita namang sinabi ni ITP Construction Project Architect Victor Turingan na madadaanan ang kalsada doon sa umaga, dahil sa gabi umano nila ito tatrabahuin.

Sinimulan ang Flood Control Project nitong nakaraang taon upang tuldukan ang napakatagal nang problema sa baha sa isla.

No comments:

Post a Comment