YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 25, 2014

Australian, sinuntok ng Russian at tinawag na bading ang girlfriend

Posted March 25, 2014 as of 7:00 am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Sya na nga ang may kasalanan, sya pa ang matapang manuntok”

Ito ang nais ipahiwatig ng Australian national habang nagrereklamo sa Boracay PNP Station matapos na suntukin at tawaging lady boy ang kanyang girlfriend ng isang Russian national.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, alas tres ng madaling araw kanina ng maganap ang isang komosyon sa front beach ng Balabag, Boracay.

Sinasabi na habang naglalakad umano ang Australian national na si Manuel Blink, 27 anyos at girlfriend nitong pinay na si Rosely Sanares, 23 anyos nang magpakawala ng mga hindi magagandang salita ang Russian national na si Irii Mokarov, 28 – anyos na nagsasabing “She is a lady boy”.

Bagay na ikina-insulto ng Australian kaya’t kinompronta nya umano ito.

Subalit nagalit ang Russian at sinuntok ang biktima na naging dahilan ng kaguluhan sa nasabing lugar.

Samantala, nabatid naman na nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang nasabing Russian kung saan napagkasunduan naman sa huli na ayusin nalang ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

No comments:

Post a Comment