YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 26, 2014

Fire Truck Volunteer ng Caticlan Airport, planong parangalan ng SB Malay

Posted March 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Planong ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na bigyan ng parangal ang grupo ng Fire truck volunteer ng Caticlan Airport.

Ito’y matapos ang kanilang ginawang pag-apula sa naganap na sunog sa Poblacion ng Malay nitong nakaraang Miyerkules kung saan dalawang kabahayan doon ang nasunog na pawang gawa sa mixed materials.

Dahil dito isang resolusyon ang ipinasa ni SB Member Manuel Delos Reyes kaugnay dito para pasalamatan ang mga bombero ng Trans-Air sa Caticlan Airport.

Samantala, iginiit naman nito na kung wala umano ang nasabing fire truck ay maraming mga kabahayan ang nadamay sa nangyaring sunog.

Nabatid na walang sariling fire truck ang bayan ng Malay kung kaya’t kinakailangan pa nilang magparespondi sa pribadong fire truck responder.

Sa ngayon inaantay nalang ng SB Malay na maaprobahan ang nasabing resolusyon sa pangunguna ni Vice Mayor Wilbec Gelito bago ito maisakatuparan.

No comments:

Post a Comment