Posted March 27, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad niya rin itong dinala sa mga pulis dahil nambugbog din umano ito ng mga dumadaan doon.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang Australianong si Barry Jerkein, kung saan ayon sa sekyu, itinali nya ng lubid ang kamay ng turista para hindi na makapanggulo pa.
Hating-gabi nang makita umano ng nasabing sekyu ang turista na nanggugulo malapit sa isang resort doon at binugbog ang isang lalaking turista habang papalabas ng isang resort.
Samantala, habang nasa kustodiya naman ng Boracay PNP Station, ay patuloy pa rin ito sa pagsisigaw at pagwawala kaya't idiniretso nang ipasok sa lock-up cell ng himpilan.
No comments:
Post a Comment