YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 27, 2014

Dalawang construction worker sa Boracay, sinaksak; mga suspek at-large pa

Posted March 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang mga suspek sa pananaksak ng dalawang consruction worker sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad sa main road ng Sitio Hagdan, Yapak pauwi sa kanilang barracks ang mga biktimang sina Jemeboy Luiz, 20- anyos ng Brooke’s Point Palawan at Bobby De Juan, 42- anyos ng Ferrol, Romblon nang ambangan ng mga hindi kilalang suspek at saka sinaksak.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng likod si Luiz habang sugat sa kaliwang balikat naman ang kay De Juan, kung kaya’t kaagad ang mga itong isinugod sa ospital.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP hingil sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng pananaksak.

No comments:

Post a Comment