YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 28, 2014

Boracay PNP, sumailalim sa Lenten Retreat

Posted March 28, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Masaya at maraming natutunan.

Ito ang sinabi ng mga taga Boracay PNP matapos sumailalim sa isang Lenten Retreat kahapon, na pinangunahan ni PNP Regional Chaplain PSupt. Ronilo Datu.

Tampok sa nasabing retreat ang spiritual enhancement na nakapagbigay umano ng inspirasyon sa mga dumalong pulis.

Sinundan naman ito ng misa at munting salo-salo.

Layunin ng retreat na mabigyan ng spiritual at morale upliftment ang mga pulis sa rehiyon upang lalong maging epektibo sa kanilang serbisyo.

Nabatid na sumailalim din sa retreat kamakailan lang ang iba pang pulis ng Police Regional Office 6 kasama si mismong PRO 6 Director PCSUPT Josephus Angan sa Holy Retreat at Trappist Monastery, sa Jordan, Guimaras.

Ginanap naman kahapon ang retreat sa isang retreat house sa Boracay na dinaluhan 30 pulis sa isla.

No comments:

Post a Comment