Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pinag-iingat ngayon ng BFP ang publiko sa Boracay sa
paggamit ng electric rice cooker at heater.
Ito’y may kaugnay sa halos magkasunod na sunog sa isla ng
Boracay ngayong buwan ng Enero, kung saan napabayaang electric appliances ang isa
sa itinuturong dahilan.
Ayon kay FO3 Franklin Arobang ng BFP o Bureau of Fire
Protection Boracay, maaaring pagmulan ng sunog ang mga nasabing kasangkapan
kapag napabayaan.
Inihalimbawa ni arobang ang heater na maaaring pagmulan
ng sunog, kung saan posible umano itong bumaga kapag naubusan ng tubig.
Samantala, maaari din umanong pagmulan ng sunog ang rice
cooker kapag napabayaang nakasaksak.
Kaugnay nito, muling iginiit ng Bureau of Fire na
tanggalin sa pagkakasaksak ang anumang electrical appliances kapag hindi na
ginagamit upang makaiwas sa sunog.
Nabatid na karamihan sa mga nagtatrabaho dito sa isla ang
gumagamit ng electric rice cooker at heater.
No comments:
Post a Comment