Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa hindi parin mapigilan ang paggawa ng Sand Castle sa
Boracay, nakatakda ng ipatawag ng Municipal Auxiliary Police (MAP) ang mga
batang gumagawa nito.
Ayon sa MAP, maaaring pati ang mga magulang ng mga batang
gumagawa ng nasabing gawain ay posibleng ipatawag ng kanilang opisina.
Batay sa Municipal Ordinance No. 264, series of 2007 ng LGU
Malay mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa ng sand castle sa isla ng Boracay.
Nakasaad rin sa ordinansang ito na maaaring pahintulutan ang
paggawa ng sand castle kung ito’y para sa promotional o special event ngunit
kinakailangan parin na makakuha sila ng kaukulang Mayor’s permit at may
nakalaan ding bayad para dito.
Nabanggit din sa nasabing ordinansa na maaaring magbayad ng
2,000.00 ang mga violators na gagawa ng sand castle.
Iginiit naman ng MAP na isa ito sa kanilang pag-tutuunan ng
pansin ngayon para masugpo na ang mga gumagawa nito.
No comments:
Post a Comment