Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inulan ng sulat ang Department of Tourism o DOT Boracay
mula sa mga Taiwanese at Chinese Tour guides nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, marami silang mga natanggap na sulat mula sa mga tour guides na nagpapaalam na kung maaari ay bigyan sila ng pagkakataon na makapunta sa Boracay na hindi hinuhuli.

Ito’y may kaugnayan sa pagdiriwang ng Chinese New Year
ngayong Enero 31, na kung saan maraming mga Taiwanese at Chinese tourist ang
pinipiling mag-celebrate ng bagong taon sa
Boracay.
Iginiit umano ng mga tour guides na magdadala naman sila ng turista at babalik din agad sa kanilang bansa matapos ang bakasyon ng turistang kanilang dadalhin.
Dagdag pa ni Ticar, naipaabot na ito kay ABC President Abriam Sualog at kay Malay Mayor Jonh P. Yap para sa kanilang magiging disisyon.
Matatandaang ipinagbabawal ng LGU Malay ang hindi rehistrado sa kanilang mga foreign tour guides sa Boracay dahil unfair para sa ibang mga leag tour guides sa isla.

No comments:
Post a Comment