Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaabangan na ng buong probinsya ng Aklan ang
kauna-unahang State of the Province Address o SOPA ni Governor Florencio
Miraflores.
Sa ikalimang regular session ng Sangguniang Panlalawigan
sa Pebrero a-singko dito ide-deliver ng governor ang kaniyang SOPA.
Sa session, inaasahan naman na i-prepresinta ng governador
ang kaniyang ipinanukalang mga programa, mga polisiya at mga proyekto para sa mga
mamamayan.
Ihahayag din dito ni Miraflores ang kaniyang mga nagawa
sa kaniyang administrasyon noong nakaraang taong 2013.
Ang Session at SOPA ay magsisimula alas-nueve emedya ng
umaga sa Pebrero a-singko sa Sangguniang Panlalawigan Session hall sa Aklan
Provincial Capitol.
Si Miraflores ay na halal nitong nakaraang National
election matapos ang kaniyang naging termino bilang Congressman ng probinsya ng
Aklan.
No comments:
Post a Comment