Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ibinahagi ng mga taga New Orleans Tourism Industry sa mga
taga Boracay kung paano nila nalagpasan ang hurricane Katrina na humagupit sa
kanilang bansa.
Pinagunahan ni Brad Weaber at Kelly Schulz ang New
Orleans Convention and Visitors Bureau na ginanap sa isang sikat na Resort sa station
1 Boracay.
Dito, ipinakita nila sa mga partisipante ang mga kuhang
litrato kung gaano katindi ang pananalasa ni Katrina sa New Orleans.
Ayon kay Weaber at Schulz, mabilis nilang nalagpasan ang
nasabing kalamidad dahil sa pagtutulungan ng mamamayan, gayon din ang
pag-sasaayos ng mga nasirang establisyemento at pangkabuhayan doon.
Kaugnay nito, nais naman ng New Orleans Tourism Industry
na tularan ng isla ng Boracay ang kanilang ginawang pagbangon at panu ibabalik
ang kagandahan ng turismo.
Iginiit pa ng mga ito na kung maaari ay kumuha ang
Boracay ng public consultant o experts mula sa mga pribadong ahensya o mga
estudyante mula sa mga unibersidad na kayang pag-planuhan o pag-aralan ang
tungkol sa disaster preparedness at disaster recovery planning.
Samantala, kasama sa mga partisipante sa naturang convention
ay sina Island Administrator Glen SacapaƱio, Mabel Bacane ng Redevelopment Task
Force, Department of Tourism, Boracay PNP, Philippine Coastguard, Red Cross
Boracay at LGU Malay.
No comments:
Post a Comment