Friday, October 12, 2012

Vice Mayor Ceceron Cawaling, pansamantala lang ang pamamahinga sa pulitika

Tila masaya naman si Malay Vice Mayor Ceceron Cawaling sa desisyon nitong hindi na muna tumakbo o magpapili sa isang posisyon sa bayan ngayong 2013 Midterm Elections.

Napapangiti na lamang ito sa kaniyang desisyon nang makatanggap ng pagbati mula sa mga meyimbro ng Sangguniang Bayan sa katatapos lang na sesyon kaugnay sa kaniyang pagreretiro sa politika dahil naging maganda  umano ang kanyang serbisyo sa kaniyang mga nakalipas na termino.

Subalit bagamat natatawa ito, makahulugan naman ang naging sagot ni Cawaling sa mga konsehal na naroroon sa Session Hall, dahil pansamantala lamang umano ito.

Samanatala, maging si SB Member Wilbec Gelito na kumakandidato para sa posisyong Vice Mayor at Mayor John Yap na magpapapili ulit sa pagka-Alkalde ay binati na rin SB.

Ito ay dahil malinaw na umano na panalo ang dalawa sa eleksiyon dahil walang mga katungali. ecm102012

No comments:

Post a Comment