Ito ay makaraang malamang wala namang nakitang pagkukulang ang
kontraktor na RA Builders sa P38-million na landfill ng Malay bago i-implementa
ang proyekto.
Sa paraan ng presentasyon si Engr. Edmund Sese, Authorized
Managing Officer ng R2 Builders sa isinagawang sisyon ng konseho kaugnay sa di
umano ay kuwestiyunableng proyektong ito.
Subalit sa mga pahayag ni Sese, kumbisido naman ang SB sa
naging sagot nito at nalamang taliwas pala sa mga na unang pahayag ni Solano na
umano ay iniba ang desinyo ng proyekto at niliitan ang area.
Nilinaw din ng kontraktor na aprubado aniya ng alkalde ang
design ng landfill gayong ang R2 Builders naman ay pinahintulutang siyang
lumikha ng disenyo at gumawa proyekto.
Dagdag pa ni Sese, ang P38-million na pundo na na-bidding ay
pang-phase 1 lang ng proyekto.
Kung saan, hindi lamang talaga para sa paglalagyan ng basura
mula sa Boracay, napunta ang pundo kundi pati ang gusali at kalsadang bulubundukin
sa loob ng landfill papunta sa imbakan mula sa main road.
Naroroon din naman at dumalo si Solano sa sesyon at siya ang
nagsiwalat kaugnay sa sitwasyon ng land fill, tuloy napagsabihan pa ito ng
konseho, lalo na at nakapagdala ito ng pag-alala sa SB.
Bunsod nito, nalinawan na rin ang konseho kung bakit lumiit
ang area ng paglalagyan ng residual na basura mula sa Boracay, kaya mabilis
itong napuno at hindi na umabot sa taong target na mapupuno ito. ecm102012
No comments:
Post a Comment