Wednesday, October 10, 2012

Isang milyong tourist arrival ng Boracay, maaabot na sa loob ng isang buwan

Inaasahang sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre ay maaabot na rin ang isang milyong target na tourist arrival ng Boracay.

Ito ay dahil simula noong Enero hanggang nitong katapusan ng Setyembre ay nakapagtala na ang Municipal Tourism Office ng Malay ng 932, 648 tourist arrivals.

Nasa 67,000 tourist arrivals na lang ang kulang sa ngayon o katumbas ng isang buwang record ng tourist arrival para maabot na ang target.

At sa bawat buwan, hindi bumababa sa 70,000 turista ang dumarating sa Boracay.

Kaya kapag matapos ang buwang ito na mapanatili ang record at trend ng statistic ng Tourist Arrival, siguradong maaabot na ito.

Samantala, nanatiling mga Koreans pa rin ang nanguna sa may pinakamaraming bilang ng turista sa isla, na sinundan naman ng mga Chinese at Taiwanese.  ecm102012

No comments:

Post a Comment