Friday, October 12, 2012

Island Administrator ng Boracay, hindi takot makasuhan

Nanindigan ngayon si Island Administrator Glenn Sacapaño na itutuloy talaga nila ang demolisyon sa Boracay West Cove Resort, lalo na at kapag hindi gumalaw ang may-ari na sila na mismo ang magpatanggal sa di umano ay illegal na straktura doon.

Ayon kay Sacapaño, noong una pumayag sila na ang resort na ang magtatanggal, pero kung maghintay pa umano sila, tila walang nangyayari at ang tanong ay kung kaylan pa umano gagawin iyon.

Kaya binalikan na umano ng lokal na pamahalaan ng Malay ang area na ito upang ituloy ang demolisyon.

Lalo pa at may pinanghahawakan naman silang dokumento at tapos na ang Habagat Season na siyang nagpapahirap sa grupo nila para ituloy ang pag-titibag doon.

Nilinaw din ng Island Administrator na kahit sakaling ibigay pa ng West Cove sa LGU ang pamamahala sa mga straktura na ito kaysa ipa-giba pa.

Sinabi nitong hindi talaga puwede dahil pag-aari ang propidad na ito ng National Government.

Dagdag pa nito, sa ginawa nila ngayon, hindi na kailangan pa ng Court Order dahil wala naman kasong isinampa, hanggang pati ang Temporary Restraining Order o TRO na hiniling ng Resort para ipagpaliban ang demolisyon ay nabasura din umano.

Samantala, hindi naman mababahala si Sacapaño na masampahan ito ng kaso ng kampo ng may-ari ng Resort, dahil may mga legal naman umano silang basehan. ecm102012

1 comment:

  1. An intereѕting diѕcussion is definitely worthcomment.
    I ԁo be&X6c;ieve that you ought to p&X75;bl&X69;sh &X6D;&X6F;rе about this sub&X6a;е&X63;t, it may not be a &X74;aboo subject but t&X79;pically folks ԁon't talk about
    such issues. To the next! Kind re&X67;аrds!!

    My web page :: hotels in singapore

    ReplyDelete