Friday, October 12, 2012

West Cove, umaasa pa sa maayos na pag-uusap

Hindi naman na naka-imik ang kampo ng West Cove ng ituloy ng lokal na pamahalaan ng Malay ang demolisyon sa iba pang bahagi ng straktura doon na hindi na sakop FLAg-T na pinanghahawakan ni Mr. Crisostomo Aquino ang may-ari ng resort.

Bagamat sinabi nito sa press conference kahapon na naghahanda na sila magsampa ng kaso laban sa di umano ay illegal na pag-demolish sa istraktura doon.

Sa panayam kay Atty. Acxel Gonzales, isa sa abogado ni Aquino nitong tanghali, pinag-iisipan pa umano nila ang mga bagay na ito sa ngayon, dahil tila nakita nila na wala naman problema na ipatupad ang LGU ang demolisyon.

Pero mariing kinuwestiyon pa rin nito kung bakit walang Court Order, ngunit batid naman umano nila na sa ganitong usapin ang korte parin ang makakasagot kaya tititingnan nila ang mga posibilidad muna bago magkaso.

Lalo na aniya at sinasabi ng LGU Malay na ang ipinapatupad nila ay ang utos nagmula sa DILG at DENR, gayong umaasa sila na magkakaroon parin ng magandang resulta ang negosasyong nangyayari sa bahagi ng bawat panig at umaasang madadaan pa ito sa maaayos na usapan. ecm102012

No comments:

Post a Comment