YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 12, 2012

Petsa ng Ati-atihan sa Boracay, nais baguhin

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan na ilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Ati-atihan sa Boracay at hintaying matapos ang Ati-atihan sa bayan ng Kalibo.

Ito ang inihayag ni Felix delos Santos, Chief Tourism Officer ng Malay, kung saan balak na aniya ngayon ng Alkalde na hinilingin sa simbahan sa isla na gawin na lamang na huling Linggo o Sabado idaos ang Ati-ati dito, upang mapaghandaan pa ng mahabang panahon ar dahil halos ang selebrasyon umano ng Ati-atihan dito ay nakadikit na rin sa pagdirawang ng araw ng Pasko at Bagong Taon.

Aminado ang Chief Tourism Officer na inutusan na nga ito ng Punong Ehekutibo na kausapin ang simbahan kaugnay dito kung saan may ideya na rin umano ang Holy Rosary tungkol dito, subalit wala pa silang desisyon.

Umaasa naman ang LGU na sasang-ayon ang simbahan at mapapatupad na ito ngayon 2013.

Pero nilinaw ni delos Santos na ang desisyon ay nasa simbahan pa rin dahil aktibidad nila ito.

Dagdag pa nito, layunin lamang ng Punong Ehikutibo para dito ay upang ang mananalo sa sa Kalibo ay iimbitahn din dito sa Boracay para makibahagi para sa promosyon ng turismo.

Matatandaang ang Ati-atihan sa Kalibo ay pinadiriwang tuwing ikatlo ng Sabado at Linggo ng Enero, samantala sa Boracay ay unang Linggo naman ng Enero. ecm102012

No comments:

Post a Comment