Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Mariing pinabulaanan ni Kalibo International Airport Manager
Engr. Percy Malonesio na ipinatupad na nila ang dagdag singil sa Terminal Fee
doon.
Aniya kung may balita mang lumalabas na nagsimula na silang
magpatupad ng mataas na singil, wala umanong itong katotohanan.
Sapagkat hanggang sa ngayon ay wala pang abiso sa kanila ang
Civil Aviation Authority of the Philippines/CAAP kung kaylan ipapatupad.
Pero naniniwala itong positibo ang magiging tugon ng CAAP sa
kanilang isinusulong na planong paniningil.
Kaya , nananatili parin umano sa apatnapung piso ang
terminal fee ng domestic flight mula sa balak nilang itaas ito ng hanggang
dalawang daang piso.
Samantala limang daang piso parin aniya ang singil nila ngayon
sa may international flight gayong pitong daang piso ang proposisyon nila.
Subalit inihayag nitong, kung matutuloy man ito, hindi aniya
isang bagsakan lamang, dahil gagawin umano itong paunti-unti at baka isang
daang piso muna ang idadagdag at makaraan ang ilang buwan ay saka nila muling
hihilingin ang dalawang daan para sa domestic at pitong daang piso sa international
flight.
No comments:
Post a Comment