Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Pormal na ngang napasakamay ng lokal na pamahalaan ng Malay
ang parangal na nagpapatunay na ang Boracay ang napili bilang “2012 Best Beach
in the World” ng Travel Leisure Magazine.
Ang parangal na ito ay tinangap mismo ng butihing may bahay
ni Malay Mayor John Yap na si Abigail Yap nitong nagdaang ika-labin siyam ng
Hulyo sa New York City.
Kung saan, dalawa ang naging representante ng Boracay sa
nasabing okasyon, dahil kasama ni Gng. Yap na tumangap sa award na ito ang
representante din ng Department of Tourism.
Kaugnay nito naghahanda na rin sa kasalukuyan ang Municipal
Tourism Office ng Malay ng isang salo-salo para masilayan din ng publiko ang
award na natangap ng Boracay, at upang mapasalamatan na rin ang mga stakeholder
sa isla na siyang isa sa may malaking kontribusyon upang makamit ito titulo na “2012
Best Beach in the World”.
Samantala, sa sesyon naman ng Sangguniang Bayan ng Malay
kamakalawa, iminungkahi ni SB Member Jonathan Cabrera sa paraan ng panukala na
magpasa ng resolusyon na nagpapakikita ng pagkagiliw sa pagkilalang ginawa ng Travel
Leisure Magazine sa isla bilang pinakamagandang Beach sa buong mundo ngayon
taon.
No comments:
Post a Comment