YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 28, 2012

MAP at Pulis sa Boracay, maaari nang mag-isyu ng LTO TOP


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi na dapat ikagulat pa sa Boracay kung mag-isyu man ng Land Transportation Office o LTO Temporary Operator's Permit (TOP) ang isang miyembro ng Malay Auxiliary Police MAP at Pulis dahil sa paglabag sa batas trapiko sa isla.

Ito ay dahil na-deputize na ang ibang miyembro ng MAP at pulis kaya anumang oras ay maaari na nilang ipatupad ang nasyonal na batas sa kalye o trapiko sa paraan ng paghuli sa lumalabag.

Kinumpirma din ni Island Administrator Glenn Sacapaño, na anumang oras oras ay pwede nang mag-isyu ng violation ticket  o TOP ng LTO ang MAP at pulis dito, lalo na ang pagkumpiska sa mga drivers license.

Subalit nilinaw ni Sacapaño na ang drivers license na makukumpiska ay ipinapadala sa bayan ng Kalibo at doon dapat bayaran ang violation na nagawa maging ang pag-release sa mga lisensiyang ito.

Hiniling naman si Sacapaño na ngayong deputize na ng LTO ang pulis at MAP sa isla, dapat ay mainitindihan din ng publiko sa Boracay ang batas trapiko at sundin ito upang wala nang argumento kapag nahuli. 

1 comment:

  1. Dapat may mga sapat na kaalaman ang mga DEPUTIZE na yan hioindi ung pinipili lang nila ung mga huhulihin nila ska dapat alam din nila kung ano ung mga violataion ng mga mahuhuli nila. Napansin ko lang kasi na ung mga DEPUTIZE na yan ang yayabang daig pa nila ang mga LTO sa Central kung umasta eh wla nmn silang ibubuga...

    ReplyDelete