Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Naging masigla parin ang daloy ng turista sa Kalibo
International Airport o KIA hanggang sa ngayon kahit maituturing na hindi na
buwan ng peak season sa Boracay dahil sa madalas na pag-ulan.
Ito ang inihayag ni KIA Manager Engr. Percy Malonesio sa
panayam dito kahapon, kung saan aniya malaki ang kontribusyon sa pagdagsa ng
mga turistang ito ang karagdagang flight sa mula at papunta sa ibang lalawigan
o probinsiya.
Aniya, sa ngayon may biyahe na mula KIA papuntang Cebu at
Davao.
Pero sa ngayon tila wala pa umano silang naririnig na kahit
proposisyon na magkaroon ng flight mula KIA papuntang Palawan vice versa.
Subalit sinabi nitong ang international ay nadagdag din ang
beyahe dahil sa may direct flight din papunta at mula sa Hongkong.
Maliban dito tumaas na rin aniya ang bilang ng beyahe ng
eroplano sa paliparang ito lalo pa at 24-oras ang operasyon ng KIA.
Samantala nanatili naman ayon kay Malonesio ang biyahe
papuntang Taiwan at ibang bahagi ng China.
Ikinatuwa rin nitong ibalita na sa susunod na buwan ay
babalik ang biyehe ng eroplanong may rutang Shanghai, China papunta KIA vice
versa.
Matatandaang tatlong buwan na ang nakalipas nang
pangsamantalang itinigil ng Airline company ang biyahe nila sa Shanghai China,
kasunod ng Travel Advisory ng China laban sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment