Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Isang linggo na lang at ipapatupad na ang enclosure sa lahat
ng Bar sa Boracay, bilang pagpapatibay sa pagbabawal at implementasyon may
kinalaman sa Ordinansang Noise Pollution sa isla.
Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, ngayong a-uno
ng Agosto ng kasalukuyang taon ay ipapatupad na nila ang bagay na
napagkasunduan ng LGU Malay at mga Bar operator at owners.
Ito ay gawing sarado o sound prop na ang gusali ng kanilang
establishsmento para makaiwas sa subrang lakas na tugtog na nakakapagbulahaw sa
mga nagmamahingang turista.
Ayon kay SacapaƱo, nakita naman nito ngayon na ginagawa
naman ng may-ari ng bar sa Boracay ang kanilang bahagi para tumalima sa
kanilang pangako sa lokal na pamahalaan ng Malay na walang na halos ingay na
lalabas sa kanilang establishsmento lalo na sa hating gabi.
Kung hindi naman aniya natupad ng mga ito na isarado ang
gusali ng kanilang bar, mapipilitan na umano ang LGU Malay, na ipatupad na
hanggang alas dose lang ang operasyon ng mga bar na ito.
Samantala, ang mga tumalima sa kasunduan ay kahit magdamag
aniya ang operasyon, ang mahalaga ay walang ingay na madadala sa mga
nagpapahinga nang indibidwal.
Kaugnay nito, inihayag naman ng Administrador na napadalhan
na rin nila ng sulat upang paalalahanan ang mga bar operator at owners hinggil
sa implementasyong ito.
No comments:
Post a Comment