Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nangako si Island Administrator Glenn SacapaƱo na
a-aksiyunan nila ngayong araw ang reklamo ng isang resort sa Station 3 na umano
ay isang grupo ng mga katutubo ang umaakupa sa harap ng isang bankante lote sa
front beach, at doon na naglatag ng kanilang barong-barong.
Ayon kay SacapaƱo, ang bagay na ito ay pagtutulungan nilang ayusin
ng Municipal Social Worker ng Malay.
Sapagkat wala naman aniyang batas na nagbabawal sa mga
katutubo na magpunta sa Boracay at basta lamang itaboy.
Subalit ang pinagtataka ngayon ng administrador kung at papano
nangyari na nakapaglatag ang mga ito ng kanilang pansamantalang barong-barong
sa front beach.
Sa ulat, di umano ay nagkakalat at nagdudumi ang mga
katutubong ito sa area na tinutukoy na di umano ay nakikita rin ng mga turista
ang kanilang ginagawa sa araw araw at maging ang mga dayuhan ay nagbabahala na
rin para sa mga ito.
No comments:
Post a Comment