Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Ipinarada kahapon ng hapon ang pinakamataas na award na natanggap
ng Boracay na “Best Beach in the World” mula sa pagkilala ng mga turista sa ginawang
survey ng Travel + Leisure Magazine.
Tinanggap ang nasabing award ni Malay Mayor John Yap na si Abigail
Yap nitong ika-19 ng Hulyo sa New York City.
Nabatid mula kay Chief Tourism Operation Officer Felix Delos
Santos Jr. na pinangunahan ni Mayor Yap
ang okasyon kahapon at inumpisahan ito sa isang misa sa Holy Rosary Parish
Church at doon din mismo nagpaabot ng
kaniya pasasalamat ng nakamit ang award na ito ng Boracay.
Pagkatapos ng misa ay isinunod naman ang isang “merry
making” o sadsad mula Station 1 hanggang Station 2 sa Front Beach, habang
bitbit ang parangal na ito upang maibahagi din sa publiko sa Boracay.
Ayon din kay Delos Santos, ang mga Boracaynon at Malaynon,
gayon din ang mga stakeholder isla ay may malaking kontribusyon para makamit
ang pinakamataas na parangal na nakuha ng isla.
Isa dun umano sa mga naging batayan sa pagkakapili sa
Boracay bilang “Best Beach in the World” ay ang mapuputi at malinis na buhangin
kung saan ang publiko ay may malaking naitulong umano para mapanatili ito.
Dinaluhan naman ang sadsad ng mga taga-lokal na pamahalaan
ng Malay, kasali ang mga Non-Government
Organization, mga grupo ng mga stakeholders gaya ng Boracay Chamber of Commerce and Industry (BCCI),
Boracay Foundation Incorporated (BFI),
mga miyembro Boracay Alliance Group (BAG) , Task Force Moratorium at iba pa.
Dumating din ang tatlong tanyag na tribu mula sa bayan ng
Kalibo na nanalo sa Ati-atihan para maki-isa at bigyang kulay ang aktibidad maliban
pa sa dalawang tribu mula dito sa Boracay.
No comments:
Post a Comment