Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Simula nitong umaga ay Tabon Port at Tambisaan na ang ruta
ng lahat ng bangka, pampasahero man at cargo.
Ito ang kinumpirma ni Commander Lt. Cmdr. Terence Alsosa
Station Commander ng Caticlan Coast Guard, kung saan ito ay dala umano ng
naramdamang lakas ng alon at hangin, lalo na ngayong may sama ang panahon.
Kaugnay nito, mariing babantayan umano ng Coast Guard kung
naipapatupad ag tamang load o karga ng bawat bangka, pasahero o bagahe man,
kaya asaahan umanong walang over loading.
Dagdag pa nito, hindi aniya masiguro ngayon nito kung
hanggang kaylan ang rutang ito sa Tabon Tambisaan Port, lalo na ngayong papasok
na ang Habagat Season, kaya pakikiramdaman muna nila ang panahon para maibalik
na sa dati ang ruta.
Samantala, dahil sa malalaki namang sasakyang pandagat ang
barkong pang-RORO, hindi apektado ang operasyon ng RORO sa ngayon ayon dito.
No comments:
Post a Comment