Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
“Misinterpretation lamang ang nangyari.”
Ito ang lumabas sa pangungusisa ng Sangguniang Bayan ng
Malay sa isyung ipinupukol sa Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay sa isinagawang
committee hearing na ipinatawag ng Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero,
chairman ng Committee on Peace, Order at Public Safety, na isinagawa nitong
Lunes.
Sa nasabing meeting ay nakapag-paliwanag na din ang MAP-Boracay
sa pamamagitan ng kanilang Hepe na si si Rommel Salsona bilang sagot sa mga napansin
umanong hindi kanais-nais sa mga MAP.
Ayon kay Gallenero, nilinaw umano ni Salsona na hindi sila
nagdi-deploy ng MAP para sa iisang resort
o establishimiyento lamang kundi naglalagay sila ng kanilang tao sa designated
area upang tutukan ang implementasyon ng mga ordinansa.
Partikular na tinukoy nito ang front beach at main road, kasabay
ng paglilinaw na ang ginagawa nila ay para manghuli ng mga lumalabag sa
ordinansa.
Taliwas ito sa impormasyon na nakarating sa konseho na naka-duty
umano doon ang MAP pero ito ay upang magbantay sa isang resort lamang.
Samantala, sa gitna din ng pagdinig, amaindo naman ang hepe
ng MAP na kulang pa rin umano ang kasalukuyan nilang bilang na umaabot lamang
sa 55, para sa 24-oras na pagbabantay at pagpapatupad ng ordinansa sa Boracay.
Layunin ng pagdinig na ipinatawag ay malaman ang
kasalukuyang kondisyon ng organisasyon at ang mga suliraning kinakaharap upang
masigurong ginagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin.
Sinabi naman ngayon ni Gallenero na gagawa sila sa konseho
ng mga rekomendasyon para maayos kung ano man ang problema ng mga MAP, hindi
lang sa Boracay kundi maging sa mainland Malay din.
No comments:
Post a Comment