Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Epektibo noong Mayo 25 ay itinalaga na bilang bagong Officer
In Charges (OIC) Chief of Police ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) si
P/S Insp. Al Loren Bigay, kasabay ng pagkaka-relieve kay C/Insp. Christopher
Prangan, ang dating hepe ng BTAC.
Nabatid mula kay P/SSupt. Cornelio Defensor, Provincial
Director ng Aklan Police Provincial Office, na si Bigay ay isasailalim muna sa
isang buwang obserbasyon sa bago nitong assignment sa isla, bago lubusang
gagawing hepe sa Boracay.
Napag-alamang si Bigay ay nagmula sa Operation Branch ng Aklan
Police Provincial Office (APPO) bago ito ma-asiggn dito sa BTAC.
Bunsod nito, dahil sa may bagong talagang hepe sa BTAC, hiling
ngayon ni Defensor sa mga stake holder at komunidad sa isla na sana ay
suportahan din si Bigay para magampanan nito ng maayos ang kanilang obligasyon at
maipatupad ang kanilang mandato bilang pulis.
Samantala, naniniwala naman si Defensor na magtatagal sa
BTAC si Bigay bilang hepe.
Ang pahayag na ito ng Provincial Director ay kasunod na rin ng
mga pangyayari sa himpilan ng pulisya sa isla kung saan may mga nagdaang hepe na
hindi nagtatagal at pinapalitan agad, at mayroon ding halos wala pang isang
araw na nababaan ng order ay relieve din agad.
Matatandaang nitong buwan lang din ng Mayo ay may bagong hepe
na rin ang Aklan Tourist Police Unit (ATPU) na nakahimpil sa BTAC Office kung
saan itinalaga si C/Insp. Gaylor Loyola kapalit ni Supt. Julio Gustilo Jr.
bilang hepe.
No comments:
Post a Comment