Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi pa masiguro ngayon ng kalihim ng Sanggunianag Bayan ng
Malay kung sino ang ipapadalang representante ng Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa darating na Martes, Hunyo 5 sa sesyon ng
konseho.
Hindi pa tiyak hanggang sa ngayon kung mismong ang General
Manager ba ng TIEZA na si Mark Lapid ang dadalo sa sesyon o ilang department
heads, gaya sa nakalatag umano sa imbitasyon
nila na matataas na opisyal ang ipadala para maklaro ang mga bagay-bagay
kaugnay sa matagal nang proyektong ito sa Boracay.
Pero nagkumpirma na ayon kay Concordia Alcantara, kalihim ng
SB, ang TIEZA na dadalo at magkakaroon ng presentasyon sa konseho kaugnay sa
proyektong drainage system sa Boracay.
Maliban sa usaping drainage, ayon kay Alcantara, ay nasa
listahan din ng agenda ang pagproposisyon ng Boracay Tubi na balak na ring
pasukin ang serbisyo ng sewerage system sa
isla, na nailangan ding maipabatid ng TIEZA ang detalye ukol dito.
No comments:
Post a Comment