Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bahagyang tumaas ang bilang ng kaso ng mga nagkasakit ng
dengue sa probinsiya ng Aklan nitong unang limang buwan ng taon 2012 kung
ikukumpara noong nagdaan taon ng 2011.
Sa datus na nakuha mula sa Provincial Health Office, mula
Enero hanggang nitong buwan ng Mayo ay nakapagtala na ng 143 katao ang
nagkasakit ng dengue sa buong probinsiya.
Walo sa naitalang ito ay nagmula sa bayan ng Malay, kasama
na ang sa isla ng Boracay.
Nitong buwan ng Mayo, naitala din ang pagkamatay ng isang
batang biktima ng nasabing epidemya na nagmula sa Brgy. Caticlan
Samantala, sa mga bilang na ito, lima ang hindi Aklanon.
Nabatid na nagpagamot lamang ito sa mga pagamutan sa bayan
ng Kalibo, pero ang mga pasyente ay nagmula sa Sapian, Capiz at Pandan,
Antique.
Ang bayan naman ng Kalibo ang nakapagtala ng pinakamataas ng
bilang ng kasong ng nagkasakit ng dengue sa probinsiya na nakapagrekord ng 52
kaso.
Ang mga bilang na ito ay nakalap ng PHO mula di umano sa mga
Rural Health Unit sa iba’t ibang bayan sa Aklan at iba pang mga pagamutan.
Matatandaang ang bayan ng Malay ay nakapagtala ng siyam na
kaso ng dengue sa buong taon ng 2011, ngunit ngayong 2012 sa buwan pa lang ng
Mayo ay nakaka-walo na.
No comments:
Post a Comment