Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kurapsiyon ang isa sa rason kung bakit pinunana di umano ni
Sanggunaiang Bayan Member Jonathan Cabrera ang ginagawang operasyon ng Land
Transportation Office LTO sa Boracay.
Partikular na dito ang pagkakaroon ng Smoke Emission Testing
at kasama na ang pagpaparehistro sa isang insurance company sa mga sasakyan
dito sa isla.
Ayon sa konsehal, nakikita nito na nagsasagawa ng operasyon
ang mga ito na wala man lang resibo na ibinibigay at mahal ang singgil sa
serbisyo na posibleng aniyang simulan ng kurapsiyon.
Bunsod nito, nagmukahi ang huli na kung maaari ay wag nalang
ipagpatuloy ang ginagawang mobile smoke testing na ito sa isla.
Sinang-ayunanan naman ang pahayag na nito ni SB Member Dante
Pagsugiron, dahil nakita aniya nito na tila inaabuso na at negosyo na ang sadya
ng mga ito sa isla.
Subalit para kay SB Member Esel Flores, malaki naman ang
naitulong ng mobile smoke emission testing na ito sa mga may-ari ng sasakyan sa
Boracay dahil subra pa umano ang magagastos ng mga ito kung dadalhin pa sa
bayan ng Kalibo ang kanilang mga behikulo.
Dagdag pa ni Flores, baka nakalimutan di umano ng kapwa nito
konsehal na sila din ang humiling ng serbisyong ito ng LTO para sa mga sasakyan
sa isla.
Hingil naman sa usaping pagkapaligiran dala ng operasyong ng
mobile smoke emission testing, para kaya Flores at Pagsugiron dapat ay ilagay
ito sa isang lugar ng isla na hindi naman katulad sa pinaglatagan ng mga ito kamakailan
lamang na sa tapat ng simbahan.
Samantala, nanatili namang tanong para kay SB Member Rowen Aguirre
kung pinahihintulutan ba na maningil ng ganito kalaking halaga para sa ganitong
smoke emission testing lamang.
Bunsod nito, may nabubuo nang planong panukala ngayon ang
konseho, lalo pa at nakita nila na nagsasagawa ng operasyon ang isang pribadong
smoke emission testing na hindi manlang
kumuha ng permit sa lokal na pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment