Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kinumpirma ni Aklan Police Provincial Director P/SSupt.
Cornelio Defensor na na-relieve na nga si C/Insp. Christopher Prangan mula sa
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) bilang hepe epektibo nitong Mayo 25.
Kaugnay nito, nilinaw ni Defensor na ang pagkaka-releave kay
Prangan sa BTAC ay dahil sa kailangan namang bigyan ng pagkakataon ang ibang opisyal
na karapat-dapat din sa posisyon na mababakante nito.
Ito ay dahil na rin sa ilang taon nang namalagi sa isla si
Prangan simula ng naging Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) ang
Boracay PNP Station.
Mariing dinng itinangi ng Provincial Director na relieve si
Prangan bilang Hepe ng BTAC dahil sa di umano ay nahuli ito ni PNP Regional
Director Chief Supt. Cipriano Querol na wala sa Boracay nang mag-inspeksiyon
ito, at sa halip ay nagbakasyon sa ibang bansa kahit na hindi pinayagan.
Paliwanag ni Defensor, walang katotohan ang katulad na
spekulasyon, dahil noong araw na mag-inspeksiyon si Querol sa Boracay PNP ay naka-5
day mandatory leave si Prangan na nag-umpisa Mayo 22.
Samantala, mula BTAC, sa Aklan Police Provincial Office o
APPO umano ang bagong assignment ni Prangan ngayon, partikular sa Intelligence
Branch ng APPO gayong ito naman aniya ang linya ng dating hepe ng BTAC sapagkat
ito naman ang pinag-aralan ni Prangan kaya nararapat na dito siya ilagay.
Ang paglilipat at pagpapalit kay Prangan ay bahagi lamang ng
command decision para bigyan din ng pagkakataon ang iba.
No comments:
Post a Comment