“Lagi na lang ako ang shock absorber ng mga reklamo tungkol sa
drainage, na hindi naman dapat ang LGU Malay o Engineering ang dapat na
sinisisi dito.”
Ito ang inihayag ni Engr. Elizer Casidsid, Municipal
Engineer ng Malay, sa panayam dito kahapon.
Ganoon na lang umano ang pagtataka nito kung bakit palagi na
lang siya o ang LGU Malay ang binabato ng batikos kaugnay sa problema sa drainage
system sa Brgy. Lugutan sa Brgy. Manoc-manoc at sa sitwaston ng kalye papunta
sa Faith Village sa Station 3 sa nasabi ding barangay lalo na kapag bumabaha at
bumabaho.
Sinabi din nito na kung titingnan ay hindi naman talaga
nagmumula sa drainage ang baho lalo pa at nakikita namang nagmumula ito sa manhole
ng sewer, sabay pasiguro na wala namang mga dumi sa drainage na katulad sa dumi
na nagmumula sa sewer.
Aniya, hindi lamang ang konstraksiyon ng drainage sana ang
problema, at sa halip ay dapat solusyunan muna ang pinagmumulan ng problema o
mga duming ito.
Paniwala ni Casidsid, hangga’t hindi pa rin mabibigyang solusyon
ang pinangalingan ng mga duming ito, kahit pa may drainage ay ganoon pa rin ang
mangyayari, gayong hindi naman maaaring i-dispatsa sa baybayin ang tubig nagmumula
sa drainage.
Sentimiyento pa nito, kahit araw-araw pa aniya siyang lamang
ng radyo at mga balita ay kataka-takang nahihirapan pa rin ang mga tao na intindihin kung ano ang sitwasyon doon
kahit na ano pang paliwanag ang gawin nito.
alangan man ro tanod ang lisdan, imaw gd lang eh c casidsid
ReplyDelete