Naging matagumpay ang isinagawang seminar sa mga kapulisan
sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kahapon upang marebyu ag mga awtoridad
sa isla ang kanilang obligasyon pagdating sa pagtugon ng Land Dispute o agawan
ng lupa sa Boracay.
Ayon kay Attorney at P/S Inspector Dennis Gabihan ng Legal
Services Region 6, nakita nito sa kanilang mga pag-uusap sa seminar na may
pagduda nga ang ilang awtoridad sa kanilang aksiyong ginagawa.
Subalit nabatid umano ni Gabihan na wala siyang nakitang
mali o paglabag na ginawa batay sa aksiyon ibingay ng mga ito.
Dahil nasunod naman umano ang maaayos sa Police Operational
Procedure ang dapat na gampanang papel ng pulis pagdating sa agawan ng lupa at
iyon ay ang masigurong ligtas at tahimik ang lugar na tensiyonado.
Kung saan sa bahagi naman aniya ng mga Police Officer sa
Boracay, nais lamang din nilang maka-siguro na maaayos nilang nagagampanan ang
kanilang mga tungkulin kaya ginusto din nila na masariwa kung ano ang
napag-aralan noon.
Layunin ng seminar na ito ay ma-refresh sa isip ng mga pulis
sa Boracay ang mga aksiyon gagawin kapag may problema ng land dispute na
mangyayari.
No comments:
Post a Comment