Inaasahang bukas o sa makalawa ay sisimulan na ang
rehabilitasyon ng Cagban Jetty Port Holding Area, partikular na ang
pagsasa-ayos sa bubong ng gusaling ito.
Kaya inaasahang isang tent muna ang magsisibling pansamantalang
silungan ng mga pasahero sa nasabing pantalan bilang panangga sa mainit at ulan,
ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, gayong hindi naman aniya
ito magtatagal at maayos rin.
Bunsod nito, inabisuhan na rin umano nila ang mga concessioner
katulad ng nagbibenta ng ticket ng regular na bangka at Fast Craft, ilang
pwesto ng pribadong transportasyon, ahensya ng pamahalaan at mga nagbebenta ng
pagkain o pasalubong na naka-puwesto sa nasabing building, na pansamantala ay
lumipat mula sila sa ibang lugar habang nagpapatuloy ng konstraksyon.
Samantala, napag-alaman din mula kay Maquirang na ang pondo
para sa rehabilitasyon ng Cagban Jetty Port ay aabot sa P3.4 M.
Pokus sa rehabilitasyon ng nasabing jetty port ay ang
pagpalit ng sa bubong ng holding area kung saan gagawin itong kahoy, dahil ang
mga angle bar na ginamit dati at kinakalawang
na ngayon at hindi na rin ligtas para sa mga pasahero, dahil anumang
oras ay maaaring mahulugan ng bakal ang mga pasahero.
No comments:
Post a Comment