Tuloy na tuloy na ang implimentasyon ng K-12 program sa pagbubukas
ng pasukan.
Sa katunayan ay handa na ang Division ng Aklan, ayon kay Dr.
Jesse M. Gomez, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd-Aklan),
sa pagpapatupad ng programang ito.
Dahil dito, madadagdagan umano ng tatlong ang taon sa basic education ng mga mag-aaral, sapagkat
compulsory na ang Kindergarten sa dahil hindi tatangapin ang isang mag-aaral sa
Grade 1 kung hindi ito nakapag-Kinder.
Maliban dito, madadagdadan din umano ng dalawang taon ang Senior
High School, kaya magiging 13 taon ang basic education.
Gayon pa man, bagamat compulsory na simula ngayong pasukan ang
Kindergarten, nilinaw ni Gomez na sa ngayon ay tatangapin nila sa Grade 1 ang mga
batang hindi nakapag-Kindergarten.
Maswerte din aniya ang mga magulang sa kasalukuyan dahil sa
unang taon ng pagpapatupad ng K-12 program, dahil sa unang dalawang buwan ng
school year ay ituturo sa mga mag-aaral ang mga asignatura na tinuturo sa Kindergarten
at sa susunod na buwan o sa buwan ng Agosto pa sisimulan ang mga asignatura para
sa Grade 1.
Pero sa susunod na taon, ayon kay Gomez, ay inaasahang magiging
istriko na umano ang DepEd sa bagay na ito.
Samantala, inihayag din ng School Division Superintendent na
hindi naman problema ang K-12 kung silid aralan ang pag-uusapan dahil mayroon
naman namang sapat na classrooms at isinailalim na sa seminar ang mga guro para
dito.
Inaasahan din umano na malaki ang maitutulong ng programang
ito sa mga estudyante at guro dahil pili, akma at mahahalagang asignatura na
ang ituturo dahil tinanggal na ang mga paulit-ulit na topiko sa isang asigtura
para pag-isahin na lang ang pagtuturo.
Dahil marami ang bumabatikos sa programang ito ng Dep. Ed, umapela
din ngayon si Gomez sa mga magulang ng mag-aaral na wala umanong dapat ikabahala
ang mga ito sa bagong curriculum dahil ang papasok lamang ngayong taon ang
apektado ng K-12 program, at mas pinadali ngunit pinalawak ang asignatura
ngayon.
Samantala, layunin umano ng K-12 program na maitaas ang
antas at kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa upang maitapat naman sa
edukasyong mayroon sa ibang bansa, dahil tanging ang Pilipnas lamang umano ang
may pinakamababang basic education kung taon ang pag-uusapan, samantalang sa
ibang bansa ay umaabot ng 13 taon.
No comments:
Post a Comment