Pinasok na ni
Malay Mayor John Yap ang bakuran ng partido ni Pangulong Benigno Aquino III na
Liberal Party (LP) kung saan pormal na rin itong nanumpa para maging bahagi ng
partidong ito.
Ito ay
matapos kumpirmahin ni Aklan LP Coordinator Franklin Quimpo ang panunumapa ni
Yap kasama ang siyam pang alkalde ng Aklan bilang mga bagong miyembro ng
partido polikal na ito para sa nalalapit na May 2013 lokal elections.
Maliban kay
Yap at sa iba pang alkalde, nanumpa na rin sa Aklan Governor Carlito Marquez
para mapasa-ilalim sa partidong ito gayon din ilang miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan (SP).
Si Yap at
Marquez ay kapwa nagmula sa Lakas Kampi CMD noong nagdaang eleksiyon ng 2010,
pero ngayon ay nasa LP na.
Ang panunumapa
na ito ay ginanap nitong ika-25 ng Abril, na kasagsagan din ng pag-aalburoto ng
Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) dahil di umano ay pinagtaguan sila ni
Mayor Yap.
Ang LP Mass
Oath Taking sa Aklan ay dinaluhan ni LP vice chairperson Senator Franklin
Drilon, LP director general Ma. Gladys Sta. Rita, Rep. Riza
Hontiveros-Baraquel, at mga dating nang miyembro ng LP Aklan na sina Aklan
Congressman Allen Salas-Quimpo gayon din ni Aklan Rep. Florencio Miraflores at
marami pang iba.
Nabatid din
mula kay Quimpo na sa 17 bayan sa Aklan ay 10 alkalde na ang nasa LP ngayon at
inaasahang madaragdagan pa ito, gayong may niluluto pa umano silang pangalawang
Batch ng aath taking ng LP sa probinsiyang ito, pero hindi pa tiyak kung kailan
ito gaganapin.
No comments:
Post a Comment