Inaasahang anumang oras ay darating ang bagong Hepe ng
Provincial Tourist Assistance Center na naka base sa Boracay na ipapalit kay Supt.
Julio Gustilo Jr.
Sa panayam kay Gustilo nitong umaga, ang ipapalit sa posisyon
nitong binakante bilang OIC ng Provincial Tourist Assistance Center ay si Maj. Gaylor Loyola na kasalukuyang
nangunguna sa lahat ng Public Community Relation (PCR) ng Aklan Police
Provincial Office.
Nabatid na epektibo nitong Abril 16 ay na-relieve na si
Gustilo sa isla, ngunit natanggap lang aniya niya ang kautusang iyon nitong
nagdaang Abril 27.
Gayon pa man, labis-labis ang pasasalamat ngayon ni Gustilo sa publiko sa Boracay sa pakiki-isa
ng buong kumunidad sa kaniya at sa pagpapatupad nito ng mga programa ng
Kapulisan.
Inihayag din nito na mula sa Boracay Tourist Assistance
Center ay itatalaga naman siya bilang isa sa mga opisyal ng Civil Aviation
Authority sa Regional Office sa Sta. Barbara, Iloilo.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa umano nagkaroon ng
opisyal na programa para sa pormal na pagakakaluklok kay Maj. Loyola o sa
bagong Hepe ng Provincial Tourist Assistance Center sa BTAC.
No comments:
Post a Comment