Nagpapabagal ngayon sa implementasyon ng drainage system sa Lugutan
area sa Brgy. Manoc-manoc ang Right of Way o dadaan ng proyekto.
Ayon kay Engr. Elizer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay,
dapat ay tapos na sana ang plano at naipatupad na dapat ito.
Ngunit nang mag-inspeksiyon sila ay nakita umano na puwedeng
tamaan ang tubo ng tubig at poste ng kuryente dahil madadaanan ito ng proyekto.
Maliban dito, may inilagay na rin umanong istrakrura sa
nasabing area para mabigyang solusyon ang kasalukuyang kondisyon doon.
Dahil dito ay ikinukonsidera nila ito ngayon na isa sa mga rason
para baguhin ang naunang plano, partikular na ang disenyo ng straktura.
Bunga nito, hindi pa masasabi ngayon ni Casidsid kung kailan
talaga sisimulan ang proyekto.
Pero nangako umano sa kanila si Island Administrator Glenn
SacapaƱo na tutulong para sa pakikipag-koordinasyon sa barangay, dahil balak
nila na doon na lang idadaan sa drainage ng barangay.
Kung maalala, sinasabi ng lokal na pamahalaan ng Malay na
handa na ang budget para sa proyektong ito.
No comments:
Post a Comment